Cancer CARE Registry Philippines tumutulong laban sa COVID-19
“…Bago po tayo magtapos, gusto natin pasalamatan ang Cancer CARE Registry Philippines na tumutulong po sa ating laban sa COVID-19. Sila po ay nagpatayo ng Safe Test Isolation Tents sa ilang mga tertiary hospitals sa bansa. Ang mga tents na ito ay magte-test ng mga “suspect” at “probable” COVID patients, magku-quarantine ng mga may mild symptoms at magre-refer sa mga ospital ng mga nangangailangan ng critical care. Nilalayon ng Cancer CARE na makapagpalagay ng 27 na Safe Test Isolation Tents sa iba’t ibang mga ospital, at dahil dito nangangalap sila ng tulong upang maipatupad ito. Sa Cancer CARE nawa’y matupad ang mithiin natin lahat na mawakasan na natin ang COVID-19. Patuloy pa arin ang ating laban para siguraduhin ang kaligtasan at kalusugan ng bawa’t Pilipino. With your cooperation and help, we can overcome this situation…”
Under Secretary Maria Rosario Sinngh-Vergeire
Department of Health